Martine - Part 12

Submitted by BellaVictoria via FSS on Sunday, 11 February 2018, 04:56 PM
Categories: Erotic Couplings, Lesbian Sex, Mature, Romance   Tags: , , , , ,

A/N: 

Well, hello there! 

Firstly, my apologies. I know that it has been exactly 7 months since I posted a story. How time flies! I have been extremely busy - Life happened. 

I totally understand that readers might have lost touch on #Bastine and that's fine. I just felt the need to continue the story and of course, finish the series. 

Life is still busy but I managed to spare the weekend for this.

Lastly, still no sex scene here so of you're looking for some heat - sorry, you're at the wrong story part :) 

Cheers! 

** 

“I’m sorry, so sorry Marie…” hinawakan ko ang braso nya.

“Sya ba ang mahal mo?” Nakatingin sya sa akin. Kinabig ko sya papalapit sa akin. Inihilig nya ang ulo nya sa balikat ko. Ilang beses akong napabuntong-hininga.

Pinili ko na lang na huwag sumagot.

**

“Sobrang liit ng mundo…” Naramdaman ko ang pagbuntong-hinga ni Marie.

Marahan nya akong itinulak palayo. Mas lalo ko namang hinigpitan ang pagka-akap sa kanya. That way, hindi nya makikita na pinipilit ko pa ring hanapin kung nasaan si Martine. Unfair kay Marie dahil unti-unti ko na syang natututunan na mahalin. Pero hindi ko naman pwedeng lokohin ang sarili ko at sabihin na hindi ko na mahal si Martine. She need me now. Or at least I want to think na kailangan nya ako ngayon.

“Baste…”

“Hm?”

Humiwalay si Marie sa pagkakayakap ko. Naupo sya sa pinakamalapit na upuan. Tinabihan ko sya. Matagal kaming hindi nagsasalita, pinapanood lang ang hindi pa rin natatapos na kuhanan ng picture. Napangiti ako dahil bakas sa mukha ni Brad na masaya sya. Ako na lang pala at si Martine ang Single sa barkada namin. Sino kaya ang susunod na ikakasal?

Unti-unti nang nag-alisan ang mga tao sa venue. Naglalakad na sila papunta sa designated na area para sa reception. Hindi pa rin kami nagkikibuan ni Marie, para bang takot lang kami na may masabi na hindi dapat.

Maya-maya pa ay nakita kong naglalakad na rin sina Brad at si Cherrie, ang asawa nya. Kasunod nila ang kanilang family members pati si Mico at Dylan. Kinawayan pa kami ni Mico at sumenyas na mauuna na sila. In short, sumunod na rin dapat kami. Tumayo ako at inayos ang suot ko.

“Baste…”

“We should get going. Baka hanapin tayo ni Brad.” Alam ko na may gustong sabihin si Marie pero hindi ako handa kung ano man iyon. Nakalayo na ako ng ilang hakbang bago pa sumunod si Marie.

“Umuwi na lang kaya tayo?” Tanong ni Marie.

“Ha?”

“Sabi ko, umuwi na lang kaya tayo?”

“Hindi pwede.” Maikli kong sagot.

“Baste, huwag ka ngang mag pretend na hindi mo alam ang nangyayari.” Napatigil ako, hinintay ko na makalapit si Marie sa kinatatayuan ko.

“Ang nangyayari ay ngayon.” Napakunot ang noo ni Marie. Kahit ako ay hindi ko rin naintindihan ang sinabi ko. Hindi gumagana ng maayos ang utak ko.

“Hindi pa rin ako makapaniwala na kakilala nyo ang inaalagaan ng ate ko sa US.”

“Hm.”

“Kagabi lang bago tayo matulog ay pinag-uusapan natin sya.”

“Oo nga.” Nagsimula na kaming maglakad. Mabagal, hindi nagmamadali. Hindi ko rin halos alam saan ako dadalhin ng mga paa ko.

“M-may something ba sa inyo?”

“Meron.”

“P-pero…”

“… Pero hindi natin pag-uusapan sa ngayon.” Ako na ang tumapos ng kung ano mang sasabihin nya.

Baste…”

“Marie…” Hinawakan ko ang braso nya para pahintuin sya sa paglalakad.

Aaminin ko na, na-appreciate ko na walang violent reaction si Marie. Wala rin naman kasi akong balak na mag pretend na walang something sa amin ni Martine. Aware din ako na sya mismo ay naguguluhan din. Torpe ako, oo. Pero hindi ako sinungaling. Mahirap na nga ang situation as it is, ayoko ng gawing mas complicated pa.

“Huwag mo sana kunin ito in a wrong context, pero nagulat ako na ipakilala mo ako as your boyfriend.” Natulala si Marie. Nagbukas-sara ang bibig, parang may sasabihin pero pinili na lang na tumahimik.

“Hindi ba tayo tayo?” Mautal-utal pa nyang tanong.

“Tayo ba?” Medyo condescending ang tono ko, narealize ko lang pagkatapos. I can’t take it back.

“Ah, hindi pala tayo. Sorry kung ganun.” Ngumiti si Marie. Parang nakaramdam ako ng kurot sa puso.

“Sorry, Marie. Akala ko kasi naging clear ako noon na ayoko sana madaliin kung ano man ang nagiging progress natin…”

Huli na nang marealize ko na baka iniisip nya na boyfriend nya ako dahil nagsex na kami? Or dahil ba masyado akong naging sweet sa kanya the past months. I am now in deep shit.

“Ah… w-wala yun. Natural na assuming lang talaga ako. D-di bale, i-clear ko na lang sa Ate ko.”

Awkward silence.

“Well, i-take ko na rin ang chance na ito para sabihin sa iyo na masaya ako kapag kasama kita. Pero Marie, magulo ang puso at utak ko. Ayoko na madamay ka sa katangahan ko.”

Long pause. Nagpapakiramdaman kami kung sino ang unang magsasalita.

“Ang weird ng usapan natin na ito.” Natawa si Marie.

“Oo nga… siguro kasi madami na ko nang nasaktan na babae. Ayoko na pati ikaw, isumpa mo rin ako. Just setting expectations.” Ang pinaka hindi ako makapaniwala ay ang hindi man lang ako nakatanggap ng sampal kay Marie kahit pa alam ko na napaka jerk ko.

“Sya ba ang dahilan kung bakit ka umiiyak noong nagperform kayo noong New Year?”

“Oo.”

***

Pagdating sa reception area halos naka upo na lahat nang dumating kami sa designated table para sa amin. Gusto ko ang setup noon na hindi malalaking tables kundi hanggang anim lang ang makakaupo. Sa table namin, nakaupo na si Mico at Dylan. Naupo na rin kami ni Marie. Apparently, doon din naka assign si Martine +1 guest which is si Marla. Ang awkward!

Hindi nagtagal, dumating na ang bagong kasal. Kaunting seremonyas at pakita ng video tapos nag announce na ready na daw ang buffet. Nakabalik na kami sa table namin pero wala pa rin sina Martine. Nang announce din ang mga coordinator na huwag muna aalis after kumain dahil may surprise number daw ang bride at groom.

Syempre, ang surprise number ay ang performance namin kasama si Brad. Matagal din namin pinagpraktice-an yun dahil may pa effect pa na sasayaw daw si Brad. Pero parang mas kabado ako dahil hindi ko naman ineexpect na andito si Martine. Kanina pa akong palinga-linga para i-prepare ang sarili ko sa pagdating nila sa table namin pero hanggang sa matapos kaming kumain, hindi pa rin sila dumadating. Naisip ko na baka umuwi na sila kaya nawala na rin ang kaba ko.

Nagprepare na kami noong tinawag kami sa stage. At habang nag sound check kami saglit, nagulat kami nang may biglang nagsalita sa may likuran namin.

“May surprise set tayo ha, isang song lang.” Pabulong nyang sabi.

“Ha?” Gulat si Mico. Ako, pinili kong huwag tumingin. Hindi ko pa kaya.

“Dylan, take over ka sa drums. May alam ka ba tugtugin na wedding song?” Pa-bossy na tanong ni Martine.

“Thinking Out Loud.” Natatawang sagot ni Dylan.

“Wala na bang iba?” Tanong ni Mico habang kumakamot sa ulo.

“Wala.”

“Ha? Eh palpak ka naman mag drums, baka sumablay tayo.” Natatawang sabi ni Mico.

“We do it impromptu style then. Let’s make sure na huwag pumalpak.” Si Martine.

“No choice pare.” Hampas ni Mico sa tyan ko. Nagka-eye contact kami ni Martine saglit pero ako na ang unang umiwas ng tingin.

Nagbigay kami ng cue sa coordinator na ready na kami. Naglakad na pabalik si Martine sa pinakamalapit na table sa harapan.

Hindi ko rin mapigilan na huwag mapatingin kay Martine habang tumutugtog kami. Dahil off-beat ang song, ilang beses ko rin syang nakita na umiindak-indak pa, nagta-tap ang paa sa floor. Maayos ang aura nya nya ngayon, much better kesa kanina. Na-miss ko sya bigla.

Nang matapos ang kanta, tumayo sya at nagsalita. “May I request for the bride and the groom to come here in front please.”

Mabilis namang tumayo si Brad para sunduin ang wife nya.

“We have known Brad for so long, simula pa lang noong grade school kami. We were all inseparable and Cherrie was witness to that. Life happened to most of us, which was a sign na we’re aging so fast. Kaya I’m happy to be a witness of their bond today. I know na may naka prepare kayo na song for your first dance, but if you will, may we have this honor to play he song?”

Paraho namang pumayag si Brad at Cherrie. Parang tanga pa si Brad na nagpapahid ng luha nya. Inakap sya ni Martine pagkatapos ay nagbeso si Martine kay Cherrie.

“Just a heads up, impromptu performance po ito. Brad is the best drummer and for the meantime, this guy here will take his place.” Sabay turo kay Dylan.

Lumapit sa amin si Martine, tinulungan sya ni Dylan na isakbit ang bass bago sya pumwesto sa drums.

Dahil halos isang dipa lang ang layo namin ni Martine sa isa’t-isa, hindi namin naiwasang magkatinginan. Hindi ko rin naman kasi mapigilan na huwag syang tingnan dahil namamagnet ako sa kanya. Ewan ko ba! Napatingin ako sa kamay nya. Manipis iyon, halos balat at buto na lang. Hindi ko alam kung kakayanin pa ba nya talagang tumugtog.

Nagbigay ng cue ang coirdinator at nagsimula kaming tumugtog.

When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love
Will y
...

Read More

You might also like:

Leave a comment

Name (required)

Comment (required), Allowed HTML Tags: <strong> <b> <em> <i> <u>
Verification Code (required)

Reload Image

You might also like to visit: